3
At iyong ingatan ang bilin ng Panginoon mong Dios, na lumakad sa kaniyang mga daan, na ingatan ang kaniyang mga palatuntunan, ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga patotoo, ayon sa nasusulat sa kautusan ni Moises, upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit:
5
Bukod dito'y talastas mo naman ang ginawa ni Joab na anak ni Sarvia sa akin, sa makatuwid baga'y ang ginawa niya sa dalawang puno ng mga hukbo ng Israel, kay Abner na anak ni Ner, at kay Amasa na anak ni Jether na kaniyang pinatay, at ibinubo sa kapayapaan ang dugo ng pakikidigma at nabubo ang dugo ng pakikidigma sa kaniyang bigkis na nasa kaniyang mga balakang, at sa loob ng kaniyang mga pangyapak na nasa kaniyang mga paa.
8
At, narito, nasa iyo si Semei na anak ni Gera na Benjamita, na taga Bahurim, na siyang sumumpa sa akin ng mahigpit na sumpa nang araw na ako'y pumaroon sa Mahanaim: nguni't nilusong niyang sinalubong ako sa Jordan, at isinumpa ko sa kaniya ang Panginoon, na sinasabi, Hindi kita papatayin ng tabak.
29
At nasaysay sa haring Salomon, Si Joab ay tumakas na napatungo sa Tolda ng Panginoon, at, narito, siya'y nasa siping ng dambana. Nang magkagayo'y sinugo niya si Benaia na anak ni Joiada, na sinasabi, Ikaw ay yumaon, daluhungin mo siya.
30
At si Benaia ay naparoon sa Tolda ng Panginoon, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng hari, Lumabas ka. At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y mamamatay rito, At dinala ni Benaia sa hari ang salita uli, na sinasabi, Ganito ang sinabi ni Joab, at ganito ang isinagot sa akin.
32
At ibabalik ng Panginoon ang kaniyang dugo sa kaniyang sariling ulo, sapagka't siya'y dumaluhong sa dalawang lalake, na lalong matuwid, at maigi kay sa kaniya, at mga pinatay ng tabak, at hindi nalalaman ng aking amang si David, sa makatuwid baga'y si Abner na anak ni Ner, na puno ng hukbo ng Israel, at si Amasa na anak ni Jether, na puno ng hukbo ng Juda.
39
At nangyari, sa katapusan ng tatlong taon, na dalawa sa mga alipin ni Semei ay tumanan na pumaroon kay Achis, na anak ni Maacha, hari sa Gath. At kanilang sinaysay kay Semei, na sinasabi, Narito, ang iyong mga alipin ay nasa Gath.
42
At ang hari ay nagsugo at ipinatawag si Semei, at nagsabi sa kaniya, Di ba ipinasumpa ko sa iyo ang Panginoon, at ipinatalastas kong totoo sa iyo, na aking sinasabi, Talastasin mong tunay na sa araw na ikaw ay lumabas, at yumaon saan man, ay walang pagsalang mamamatay ka? at iyong sinabi sa akin. Ang sabi na aking narinig ay mabuti.